Mula ang gálit natin sa panlilinlang sa atin ng mga nása kapangyarihan. Mula ito sa pakiramdam na ninanakawan ka araw-araw ng pinaghirapan mo, ng panahon mo, ngMula ang gálit natin sa panlilinlang sa atin ng mga nása kapangyarihan. Mula ito sa pakiramdam na ninanakawan ka araw-araw ng pinaghirapan mo, ng panahon mo, ng

[OPINYON] Mag-Pasko táyo nang galít

2025/12/13 09:00

Ilang araw na lang at Pasko na. Abala na ang lahat sa paghahanda. Kaliwa’t kanan ang mga party. Naubos na marahil ang Christmas bonus. Punô na ang mga mall at tiyangge. Nabili o bibilhin pa lang ang mga nása wishlist. Kung estudyante ka, bakâ masayang-masaya ka sa mahaba-habang bakasyon. Pero may hindi dapat mawala sa gagawin nating pagdiriwang. 

Gálit. Dapat nating dalhin ang gálit sa Pasko. 

Gálit ito sa katiwalian sa pamahalaan. Gálit sa mga tiwaling nagpapakasarap sa yaman ng bayan. Gálit ito sa mga magnanakaw na dahilan kung bakit ganito ang kalagayan ng mahal nating Filipinas.

Pero bakâ sasabihin ng iba: Pasko naman. Dapat isantabi muna natin ito para magsaya at magdiwang. Pero bakit hindi? 

Gusto ko sanang maghanap ng mga artikulasyon para sa gálit sa tulong ng aking paboritong gawain, ang paghahanap ng mga salita at konsepto sa matatandang bokabularyo. Napakaraming salita pala na may kinalaman sa gálit ang ating mga ninuno. Sa Vocabulario de la lengua tagala nina Noceda’t Sanlucar, may higit 300 salita táyo na may kaugnayan sa gálit.

Meron pa lang espesipikong kulam na nagdudulot ng gálit, ang bongsól. Bungsol na ito sa modernong diksiyonaryo. Posible kayâng ang mga tiwali at baluktot sa ating lipunan ang namumungsol sa atin para patuloy na magalit?

Kabaliktaran pala nito ang paggamit ng tagilubáy, isang halamang kasangkapan ng mga mangkukulam para humupa at mawala ang gálit. Bakâ sadyang pinaglalaruan lang talaga táyo ng mga mangkukulam.

O ang naramdaman ba natin ay galitgít lamang? Marahas na gálit na agad ring nawala. Hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng salita para sa gálit na nagtatagal. Gálit na nasa katuwiran dahil nanggagaling sa pangwawalang-hiyang dinadanas ng mga Filipino sa araw-araw.

Bakâ pinakamalapit na para sa pakiramdam ngayon ang gígis. Gálit ito ng isang may nais gawin pero hindi makausad dahil sa iba pang mga responsabilidad. Di ba ganoon táyo? Galít sa katiwalian, pero napakarami ring kaabalahan na naisasantabi na natin ito para sa susunod na malaking rally? 

BASAHIN DIN SA RAPPLER
  • Gaano kalaki ang ginagastos ng gobyerno sa mga proyektong pangkontrol ng baha?
  • Modus: How some contractors scam flood control projects in the Philippines
  • Martin Romualdez inilipat ang P130-M US property sa korporasyon kapalit ng $1 lang
  • Rappler Investigates: VP Sara’s campaign donor is Davao’s top flood control contractor 
  • Ties of Bong Go’s family firm with the Discayas 
  • Uncle ni Mark Villar, may-ari ng firm na nakakuha ng P390M flood control projects 
  • [Botong Lokal] Ganansiya ng PrimeWater sa vote-rich Calabarzon 

At kung hindi ko mahahanap ang salita, bakâ magiging mahinahon na lámang ako at mapapanatag sa pakahulugan ng mga Buddhist na isang nakababahalang emosyon ang gálit. Na kapag hinayaan mo ito ay parang may hawak kang patalim na kapuwa sumusugat sa kalaban at sa sarili mo. 

Pero galít pa rin ako. At hindi ako mapanatag dahil wala ang akmang salita para sa gálit na nararamdaman. Kung hindi mahanap ang salita, gumawa na lang táyo ng pakahulugan: Mula ang gálit natin sa panlilinlang sa atin ng mga nása kapangyarihan. Mula ito sa pakiramdam na ninanakawan ka araw-araw ng pinaghirapan mo, ng panahon mo, ng lakas mo, ng karapatang mabúhay nang marangal. Gálit ito na maaaring magbunsod ng pagbabago sa sarili at sa lipunan. Kinakailangang gálit. 

Pangngalan ito. Bigyan mo ng pangalan ang gálit mo. Káya mong gawing pandiwa. Pakilusin mo.

Kayâ sa akin, mas epektibo ang paninging isinisilang taon-taon si Kristo para baguhin ang kaayusan ng daigdig sa ating kamalayan. Naniniwala ako sa liberasyon ng isip na dulot ng anumang relihiyon. Na ginagabayan tayo ng ating pananampalataya upang gawin ang tama at ikabubuti ng kapuwa. Sa kaso natin, pumarito ang Mesiyas bitbit ang espada. At sino ba ang pinakaangkop humawak ng espadang iyon kasama Niya kundi ang taumbayang galít? Ang taumbayang pinananatili ang banal at kinakailangang gálit. Maligayang Pasko sa ating lahat. – Rappler.com

Sumusulat si Roy Rene S. Cagalingan ng mga tula at sanaysay. Kasapi siya ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) at editor ng Diwatáhan, isang onlayn na espasyo para sa mga akdang Filipino. Isa siyang manggagawang pangkultura.

Sorumluluk Reddi: Bu sitede yeniden yayınlanan makaleler, halka açık platformlardan alınmıştır ve yalnızca bilgilendirme amaçlıdır. MEXC'nin görüşlerini yansıtmayabilir. Tüm hakları telif sahiplerine aittir. Herhangi bir içeriğin üçüncü taraf haklarını ihlal ettiğini düşünüyorsanız, kaldırılması için lütfen service@support.mexc.com ile iletişime geçin. MEXC, içeriğin doğruluğu, eksiksizliği veya güncelliği konusunda hiçbir garanti vermez ve sağlanan bilgilere dayalı olarak alınan herhangi bir eylemden sorumlu değildir. İçerik, finansal, yasal veya diğer profesyonel tavsiye niteliğinde değildir ve MEXC tarafından bir tavsiye veya onay olarak değerlendirilmemelidir.

Ayrıca Şunları da Beğenebilirsiniz

Crypto.com Reveals Hidden User Data Breach

Crypto.com Reveals Hidden User Data Breach

The post Crypto.com Reveals Hidden User Data Breach appeared on BitcoinEthereumNews.com. According to a Bloomberg investigation, Crypto.com, one of the world’s largest cryptocurrency exchanges, reportedly suffered a security breach it never disclosed. The report linked the incident to Scattered Spider, a hacking group that often targets companies with social engineering tactics. The group comprises mainly teenagers who specialize in tricking employees into handing over their credentials. Sponsored Sponsored According to Bloomberg, the attackers posed as IT staff and persuaded unnamed Crypto.com employees to surrender login credentials. Once inside, they attempted to escalate their access by targeting senior staff accounts. Crypto.com told Bloomberg that the attack affected only “a very small number of individuals” and emphasized that customer funds remained untouched. The firm has yet to provide additional information about the incident as of press time. Meanwhile, security experts argue that the exchange’s decision not to disclose the breach undermines confidence in its security practices. They argue that its failure to share details about the incident leaves its users uncertain about the extent of the exposure and vulnerable to possible follow-up attacks. This concern is significant because Coinbase previously suffered a similar breach that exposed its customers to more than $300 million yearly losses. On-chain investigator ZachXBT accused Crypto.com of deliberately covering up the breach. He also stressed that this was not the first time the platform had been linked to undisclosed security lapses Sponsored Sponsored His comments echo wider industry frustration about exchanges that quietly downplay breaches to protect their reputations. Meanwhile, the incident has also reignited criticism of the industry’s reliance on Know Your Customer (KYC) systems. Pseudonymous security researcher Pcaversaccio reacted sharply to the issues, arguing that KYC requirements create massive data honeypots for hackers. “You can change a password easily, but not your passport and they f#cking know it well. We’re basically the collateral in their surveillance racket,”…
Paylaş
BitcoinEthereumNews2025/09/22 03:09
Shiba Inu Price Prediction: 1 Trillion SHIB Hits Exchanges – What Are Whales Planning Behind the Scenes?

Shiba Inu Price Prediction: 1 Trillion SHIB Hits Exchanges – What Are Whales Planning Behind the Scenes?

Whale activity around SHIB has suddenly surged, and it could spell trouble for the bulls.Over 1 trillion SHIB tokens, worth more than $8 million, were moved to
Paylaş
Coinstats2025/12/16 07:32
Trump Hints at Samourai Wallet Pardon — Another After CZ, Ulbricht

Trump Hints at Samourai Wallet Pardon — Another After CZ, Ulbricht

The post Trump Hints at Samourai Wallet Pardon — Another After CZ, Ulbricht appeared on BitcoinEthereumNews.com. President Donald Trump said he would consider pardoning
Paylaş
BitcoinEthereumNews2025/12/16 08:41